10.8.09

PAPET SHOW



Paki-adjust yung antenna, malabo eh…


Pero kahit anong adjust ang gawin,
kung hindi mo gusto tingnan,
hindi mo makikita.

Ayusin mo yung frequency, nagsta-static…


Bakit hinihintay mong iba ang mag-ayos?
Gaya ng nasa patalastas:
Wala ka bang mga kamay?

Wala akong naiintindihan—pakilipat nga…
Hindi mo man lang ba iintindihin?
Humahanap ka ng iba na makakaaliw sa’yo
pansamantala
Hindi ng mga magpapaunawa sa’yo

Ayan na lang, puppet show.
Bagay sa’yo pero…
Kawawa ka naman.
Hinihintay mong may magpaunawa
Magpalaya sa’yo gayong takot kang lumaya.
Umaangal sa kahirapan
Nagrereklamo sa maling sistema
PERO WALA KANG GINGAWA
Nakatanghod, naghihintay
Dahil nais mo doon sa manlilibang sa’yo—pansamantala
Hindi sa magpapalaya.
PILIPINO: hindi ka pa ba sawa?

No comments: